AMIA DA-Bicol, naglabas na ng abiso sa mga magsasaka sa posibleng epekto ng Bagyong Dante

NAGA CITY- Naglabas ng abiso para sa mga magsasaka ang tanggapan ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture  ng Department of Agriculture (DA) Bicol bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Dante. Sa forecast ng PAGASA magdadala ito ng pag-ulan sa rehiyon.

Ayon sa AMIA DA, kung kailangan nang anihin, may mga gamit ang kagawaran tulad ng combine harvester at mechanical dryer.

Sa Camarines Sur mayroong 28 combine harvester, 9 sa Albay, mayroon namang 8 sa Masbate, 4 sa Camarines Norte at 3 sa Catanduanes.

May Corn Combine Harvester din na 6 sa Camarines Sur habang 2 sa Masbate.

Kailangan din linisin ang mga kanal upang maiwasan ang pagbaha at pagbara nito kung hindi pa aanihin. Una nang sinabi ni D.A spokesperson Emily Bordado na ginagawa na ito ng mga magsasaka subalit kailangan pa rin paalalahan ang iba.

Para naman livestock, tinggan kung kailangan nang ilipat ang mga hayop sa hindi binabaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *