Amores: Outburst dulot umano ng personal problems

Ibinahagi ni embattled NCAA player John Amores na may dinadala siyang personal issues bago ang marahas na panununtok ilang players sa gitna ng laro ng Jose Rizal University laban sa College of St. Benilde.

Ayon kay Amores na tinanggal na sa JRU basketball program, na emotionally troubled na umano siya ng domestic issues, bago pa man ang laro.

Dagdag nito, namimiss din umano niya ang kanyang isang taong gulang na baby girl, na nakaapekto rin sa kanyang laro.

Mababatid na personal na nagtungo si Amores sa College of St. Benilde para humingi ng tawad sa Blazers squad dahil sa kanyang naging aksyon, maging sa NCAA fans, kabilang na sa JRU community na dismayado sa kanya.

Welcome naman sa Blazers, ang pagbisita ni Amores sa team practice. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *