Anak ng construction worker sa isla isa sa mga Bicolanong pasok sa Top 10 ng October 2022 LET

NAGA CITY- Pasok sa TOP 10 ng October Licensure Examination for Teachers Elementary Level at Secondary Level ang pito na nagtapos sa Naga City at Camarines Sur.

Isa sa mga ito si Ilonah Jean Barbosa De Mesa ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Calabanga, Campus.

Kuwento nito sa Brigada News FM Naga nang malaman niya ang resulta halos hindi na matigil sa kaiiyak, naalala kasi ang mga paghihirap sa buhay. Tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo dahil hirap na hirap ang pamilya na pag-aralin ng sabay-sabay ang magkakapatid, nang bumalik ito ay naging working student hanggang sa makapagtapos at pinangarap na makasama sa Top ng LET.

Mahirap na buhay ang naging motibasyon nito upang mag pursige, dating mangingisda ang ama, namumulot din ng plastic na basura sa dagat, at ngayon kahit may edad na ay construction worker sa Isla Punta , Tarawal bayan ng Calabanga.

Pumasa din sa LET ang nakababatang kapatid ni Ilona na si Danica ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST) kahit wala halos oras na makapag review dahil nagtratrabaho bilang customer assistant sa isang mall sa Naga.

Payo nito sa mga magulang suportahan ang anak pero huwag i-pipressure, sa mga estudyante naman ituloy ang pangarap mahirap man ang buhay.

Maliban kay De Mesa pasok din sa Top 10 sa LET Elementary level sina John Carlo Purisima Valencia, Top 8 mula sa Naga College Foundation at Top 9 naman si Venette Nicole Mapa Gregorio ng BISCAST.

Sa Secondary Level Top 8 sina  Jerome Torres Abila at Oliver John Merano Tres Reyes ng Ateneo De Naga University.  Top 9 si Jasmin Samantha Largo Tusara ng parehong unibersidad at  Top 10 si Amier Bernard Agna Albino ng Naga College Foundation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *