Angara: Pondo para sa Libreng Sakay, kasama sa panukalang 2023 budget

Inihayag ni Senator Sonny Angara na maaring palawigin ng Department of Transportation ang kanilang libreng sakay program hanggang sa susunod na taon, dahil ang pondo umano para dito ay kasama sa panukalang 2023 budget.

Matatandaan na noong Agusto, sinabi ni DOTr undersecretary Mark Steven Pastor na humiling sila ng P12 billion para maipagpatuloy ang programa sa 2023, na magbibigay ng libreng sakay sa mga commuters at ma-iincentivize ang mga public utility vehicle (PUV) drivers at operators na makikilahok sa naturang inisyatibo.

Pero sinabi nito na hindi umano ito kasama sa National Expenditure Program (NEP).

Ipinaliwanag naman ni Budget Undersecretary for Media Affairs, Community Relations, and Internal Audit Goddes Libiran na ang service contracting program ay non-recurring o one-time expenditure item.

Ang Libreng Sakay program ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay inilunsad noong 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para matulungan ang mga commuters at ang mga nasa public transport sector na apektado ng pandemya. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *