PH, nagtala ng 1,063 new COVID cases; Active tally nasa 18,647 pa

Nagtala ang Pilipinas ng 1,063 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lalo pang lomobo ang total nationwide caseload sa 4,025,917.

Ito na ang pang-apat na sunod-sunod na araw na mahigit 1,000 na mga bagong kaso ang naitatala.

Sa datos din ng Department of Health, bumaba ang active cases sa 18,647 mula sa 18,864 noong Sabado.

Sa loob ng halos tatlong linggo, bumaba ang active cases sa bansa sa 20,000.

Sa gitna nito, tumaas naman ang bilang ng mga gumaling mula sa naturang sakit sa 3,942,794, habang ang death toll ay umakyat sa 64,476. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *