Anti- mining group, iginiit na winawalaan sila ng karapatan sa inihain na TRO

Iginiit ng mga Anti- Mining group sa bayan ng Brookes Point na winalaan sila ng karapatan dahil sa inihaing Temporary restraining order (TRO) sa rally laban sa Ipilan Nickel Corporation.

Nitong Lunes, ipinagdiinan ng mga katutubo sa Barangay Maasin sa harap ng Sheriff na sila ay may permit mula sa lokal na pamahalaan para magprotesta sa mining operation.

Ipinagdiinan ng mga katutubo na bakit sila ang pinagbabawalan na magprotesta gayong ang minahan ang walang business permit o mayor permit.

Samantala, sa harap ng mga raliyesta ay paulit-ulit na inihayag ni Sheriff Clodualdo V. Levita ng RTC 165 na hindi niya masagot ang tanong ng mga raliyesta pagdating sa permit na mayroon o wala ang kompanya ng mina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *