4PH program ni PBBM sa Naga City walang problema sa dating VP

NAGA CITY –“Walang problema, dapat makinabang ang taong bayan sa pera ng gobyerno”

Iyan ang salitang binitiwan ni dating Bise Presidente Leni Robredo bilang kaniyang reaksyon sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Naga City.

Masaya ang dating opisyal dahil maraming pamilya ang makikinabang. Ang pera aniya ng gobyerno ay dapat na mapakinabangan sa ganitong mga projects.

Nabanggit din niya na ganito rin sana ang hangad niya noon ng siya ay pansamantalang maging Housing Secretary subalit hindi napondohan dahil sa isyu politika noon ng dating administrasyon.

Hangad niya na kung may pera ang housing sector dapat makinabang ang publiko.

Si Robredo ay nasa Naga City kahapon sa isinagawang consultative meeting ng iba’t-ibang mga sector na apektado sa taas sa taripa ng kuryente sa CASU

Si PBBM ay posibleng bumisita sa Naga City dahil sa projects na ito ngunit hindi pa alam kung kelan,subalit may paghahanda ng ginagawa ang city government.               

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *