APORs, makakalabas mga lugar na isasailalim sa granular lockdown, pero…

Hindi maaaring maglabas-pasok ang mga authorized persons outside residence o mga APOR sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, papayagan na makalabas ang isang APOR sa lugar na nasa granular lockdown ngunit hindi ito maaaring bumalik.

Sinabi ni Lopez na ibig sabihin nito, kailangan na magkaroon ng pansamantalang matutuluyan ang isang APOR o kaya naman ay mag-work from home set-up ito.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Lopez na exempted dito ang mga healthcare workers.

Samantala, inaasahan naman ng opisyal na mas magiging epektibo ang pagpapatupad ngayon ng granular lockdowns. //MHEL PACIA-TRINIDAD via CLAY MARQUEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *