Babaeng wanted sa kasong carnapping, arestado sa Laurel, Batangas

Naaresto ng mga awtoridad ang isang babaeng most wanted sa kasong carnapping sa sa ikinasang operasyon sa Brgy. Poblacion 2, Laurel, Batangas, dakong 9:51 ng umaga kahapon ng Miyerkules, October 19, 2022.

Kinilala ni Batangas PPO Officer-In-Charge PCol. Pedro Soliba ang suspek na si Maricel Tamayo,40 anyos at residente ng Brgy. Leviste ng naturang bayan.

Si Tamayo ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 6539 o “Anti-Carnapping Act of 1972” at tinaguriang most wanted sa buong probinsya ng Batangas.

Sa bisa ng warrant of arrest ay naaresto ang suspek sa kanyang pinagtataguan ng pinagsanib na pwersa ng Laurel Municipal MPS, Provincial Intelligence Unit-BPPO, at 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company.

Batay sa report ng mga awtoridad, si Tamayo ay unang inireklamo sa Mabini MPS ng carnapping ng kanyang nabiktima noong September 27, 2021.

Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Laurel MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *