Bagong alert level system para sa COVID-19 restrictions inaaral na ng DOH

Magrerekomenda ang Department of Health ng bagong alert system na magsisilbing warning signal sa publiko sa gitna ng pagluwag ng COVID-19 restrictions sa bansa.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang kasalukuyang alert level system na ipinatutupad sa bansa ay nakabatay pa rin sa risk case classification at healthcare utilization rate ng isang lugar.

Gayunpaman, sinabi niya na ipe-presenta ng DOH sa isang pulong kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa December 5 ang isang revised alert level system na katulad ng tropical cyclone warning system ng PAGASA.

Ipinaliwanag ng opisyal na sa panukalang bagong alert level system na ito, hindi na ipapaalam ng gobyerno sa publiko ang mga restrictions na itinakda sa isang lugar, ngunit kung paano sila dapat kumilos batay sa kanilang informed decision sa COVID-19.

Sakaling aprubahan ng IATF ang naturang panukala, sinabi ni Vergeire na ihaharap nila ito sa Office of the President.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *