Bagong satellite market sa Naga City, operational na

NAGA CITY – Pinasinayaan ni Mayor Nelson Legacion, kasama sina Vice Mayor Nene de Asis, City Councilor Jose Perez, mga City Officials at ilan pang opisyal ng lungsod, ang pormal na pagbubukas at pagbasbas sa bagong Satellite Market sa Barangay San Isidro, Naga City, kahapon.

Kung saan simula kahapon operational na ito at maaari nang mamili lalo na ang mga taga naturang barangay.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Market Superintendent ng Naga City People’s Mall, Ramon Florendo, may 14 itong stall, kung saan magiging balanse ang pagnenegosyo.

Nasa ground floor ang mga fresh na isda, karne, manok, groceries, gulayan, bakery, feeds at ilan pang basic food na kailangan.

Sa pangalawang palapag, naglagay ng dalawang karenderya, school at office supplies, general merchandise, may beauty at barber shop rin. Ang nag-aayos naman relo, sapatos at iba ay nakaschedule na rin na pupunta sa lugar.

Layunin lamang ng proyektong ito ay mas maging madali para sa mga negosyanteng nasa agrikultura at hindi na rin kailangang pumunta pa ng NCPM na manggagaling din lamang ang suplay sa mercado.

Ayon naman kay City Councilor Jose Perez, Committee Chair Investment, Trade and Economic Enterprises, malaking tulong ito upang mapalakas at mapalawak pa ang mga nasa agrikultura lalo na sa naturang barangay.

Sa darating namang Hulyo, magbubukas na rin ang isa pang Satellite Market sa Barangay Pacol sa lungsod ng Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *