Bagong variety ng mga gulay at prutas ipinakilala sa Vegetable Expo sa bayan ng Irosin

Ipinakilala sa isang Vegetable Expo sa bayan ng Irosin, Sorsogon ang mga bagong variety ng mga gulay at prutas.

Sa presentasyon ng East West Seed sa D’Greenthumb flower garden sa Barangay Buenavista, ipinakilala nila ang iba’t ibang uri ng gulay at prutas na mapakikinabangan ng mga magsasaka sa ibat ibang uri ng panahon, tulad ng sili at kamatis na mas mabulaklak at mas namumunga tuwing tag-ulan. 

Ipinakilala rin ng grupo ang mga produkto na gawa sa high quality na mga gulay tulad ng biko cake na gawa sa magandang uri ng kalabasa, melon ice cream, cucumber juice at marami pang iba.

Ayon kay Melanie Cruz, Supervisor ng grupo, katuwang sila ng Pamahalaang Bayan ng Irosin sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka sa lalawigan lalo na’t kasabay ng mga magangandang uri ng gulay at prutas ang makabagong pamamaraan sa pagtatanim na malaking tulong sa ‘Luntian at Masaganang Irosin’ na programa ng LGU para sa kanilang mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *