Baha sa isang Sitio sa lungsod ng Sorsogon idinulog sa Brigada News FM ng mga residente; Kapitan ng barangay, nagpaliwanag

Mismong ang mga residente ng Sitio Sip-Ac, Brgy. Cabid-an, Sorsogon City ang dumulog sa Brigada News FM para iparating sa mga kinauukulan ang hanggang baywang na baha sa kanilang lugar dahil sa ilang araw na pagbuhos ng ulan.

Ayon sa mga residenteng nakausap ng Brigada News, hindi umano makadaloy ang tubig palabas ng sitio dahil walang madaanan ang tubig matapos na matakpan ang nag-iisang drainage canal na dating dinadaanan ng tubig mula sa kanilang patungo sa creek ng barangay.

Ang tinutukoy ng mga residente na nakaharang sa dating drainage canal ay ang pader ng isang construction company na Centerways Construction and Development Inc.

Sinubukan ng Brigada News na kunin ang panig ng nasabing kompanya, pero wala umano ang Executive Secretary sa opisina na authorize sumagot sa isyu.

Ayon naman kay newly-elected Brgy. Chairman Sammy Realuyo, naipaabot na nila ang usapin sa City Government; sa ngayon umano ang pandaliang solusyon nila sa baha ay i-pump ang tubig gamit ang makina ng City Government.

Makikipag-usap rin umano sila sa nasabing kompanya para maibalik o mabuksan ang dating drainage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *