Bahay ng dating Pangulo ng Brazil, ni-raid ng pulis bilang parte ng vaccine probe

Ni-raid ng pulisya ang bahay ng dating Pangulo ng Brazil na si Jair Bolsonaro, inaresto ang kanyang trusted aides at kinuha ang kanyang cellphone bilang bahagi ng imbestigasyon sa kanyang COVID-19 vaccination records.

Ang imbestigasyon na isinagawa ng mga awtoridad ay upang masagot ang tanong kung paano nabakunahan ang dating Pangulo gayung sinabi niyang hindi siya magpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa isang dokumento mula sa Supreme Court, natuklasan ng federal police ang ilang ebidensiya ng pakikialam sa vaccine records ni Bolsonaro sa kanyang huling linggo bilang pangulo noong Disyembre bago siya lumipad patungong Estados Unidos kung saan karamihan ng mga dayuhang bisita ay dapat bakunado.

Kinumpirma ni Bolsonaro ang pagsalay sa kanyang tahanan at mariing itinanggi ang anumang papel sa di umano’y pamemeke ng mga dokumento.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *