Bangkay na nakagapos, natagpuan sa gilid ng daan sa Polomolok

KORONADAL CITY — ISANG bangkay na nakagapos ang mga paa at kamay ang natagpuan kahapon ng umaga sa Tulingin Sugarcane Farm, Purok Paraiso, Barangay Klinan 6, Polomolok, South Cotabato.
Naka-piring din ang mga mata nito at binusalan ng duct tape ang bunganga nito.

Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang biktima na nakitaan din ng 17 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Nakitaan din ito ng mga galos sa leeg na pinaniniwalaang sinakal muna bago pinagsasaksak.

Sa ngayon, nasa punerarya na ang biktima at nakatakdang isailalim sa post-mortem examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *