Bayan ng Baras sa Catanduanes, tanging munisipyo na lamang na may aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan

BNFM BICOL—Dalawa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang probinsya ng Catanduanes batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office.

Ayon sa datus ng ahensya, tanging ang bayan na lamang ng Baras ang nananatiling may aktibong kaso ng sakit mula sa 11 mga bayan sa probinsya.

Patuloy din ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan at katunayan, ilang araw nang hindi nakakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Mula nang maitala ang pinakaunang impeksyon ng sakit sa Catanduanes, nasa 3,186 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso kung saan 3,052 sa mga ito ang nakarekober na habang 132 naman ang mga nasawi.

Sakabila ng nararanasang downtrend ng COVID-19 cases sa isla at pagkakasailalim nito sa Alert Level COVID status, patuloy pa ring pinag-iingat ng PHO ang publiko at pinapayuhang patuloy na sundin ang mga umiiral na health protocols at ang pagpapa bakuna kontra COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *