Bayan ng Matnog at isang barangay sa lungsod, idineklara ng PDEA na ‘drug cleared’

Idineklara na na-drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bayan ng Matnog gayundin ang Brgy Burabod na siyang natitira na lang na drug affected barangay sa lungsod.

Ayon sa PDEA, naabot ng mga nasabing lugar ang mga guidelines ng Regional Oversight Committee on Baanrgay Drug Clearing na binubuo ng PNP Police Regional Office 5; Department of Health, Regional Office;  Department of the Interior and Local Governemnt Regional Office at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office na pinamumunuan ni PDEA Regional Director Edgar Jubay.

Nitong Mayo, nauna nang idineklara ng PDEA na drug cleared ang mga Bayan ng Bulusan, Casiguran, Magallanes, Prieto Diaz at Sta. Magdalena.

Sa ngayon, mahigit 2K na sa rehiyong Bicol ang kumpirmadong drug-free barangay.

Umaasa naman ang mga otoridad na sa pamamagitan ng tulong ng mga stakeholders ay maabot ng Sorsogon ang drug cleared province.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *