Bayan ng Mercedes muling nakapagtala ng bagong kaso ng COVID- 19 makaraan ang halos dalawang linggo

CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte pagkaraang ng halos dalawang linggo.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ang nagpositibo sa sakit ay isang 33 anyos na babae na taga Barangay Mambungalon at siya ay si Bicol No 63972

Wala itong sintomas at kasalukuyang naka isolate sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Wala itong travel history at hindi rin batid kung papaano nakuha ang sakit.

Dahil dito umaabot na sa 191 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

Sa bilang na ito 21 ang nasawi habang 169 naman ang gumaling.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan mula noong 2020 sa Barangay San Roque na mayroong 35.

Pinakamarami naman ang tinamaan ng COVID- 19 sa age group na 21- 30 na karamihan ay mga babae.

Sa healthcare utilization rate, walang naitalang paggamit sa Mercedes Ligtas COVID Center na naglaan ng 43 kama para sa confirmed RT- PCR positive, antigen positive at close contact.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *