BBM Inauguration – ‘simple, payak, no teleprompter’

‘Hindi banidoso at conscious sa appearance.’

Ganito ilarawan ng image specialist na si Jay Herrera ang mga katangian ni President-elect Bongbong Marcos.

Aniya, wala umano itong arte sa katawan at sa katunayn ay nakalilimutan na nitong mag-ayos ng sarili.

Kaugnay nito, sinabi ni Herrera na ano mang oras ay isasapubliko na nila ng disenya ng barong na susuotin ni Marcos sa panunumpa nito sa Huwebes.

Nagpa-contest umano sila sa mga designers para sa barong ni Marcos pati na rin sa tatlo nitong mga anak.

Para naman sa damit ng incoming first lady na si Liza Araneta-Marcos, mayroon na rin itong napiling designer.

Samantala, kinumpirma ni Franz Imperial, nangunguna sa preperation commitee ni marcos na magiging atimtim at simple lamang ang panunumpa ni Marcos.

Kagaya umano ng una nang sinabi ng incoming president sa kanyang BBM Vlog – hindi na sila lilihis sa tradisyon.

‘Di naman na nito idinetalye ang magiging laman ng inaugural speech ngunit hindi na raw magte-teleprompter si Marcos.

Nakatakda namang i-perform ni Cris Villonco ang inaugural song ni Marcos na ‘Pilipinas Kong Mahal’; habang si Tony Gonzaga naman ang aawit ng Lupang Hinirang.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *