LPA, posibleng maging bagyo

Patuloy pa ring magpapaulan ang umiiral na Low pressure Area sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, huling namtaan ang LPA sa layong 365 kilometro kanluran ng Subic, Zambales.

Inaasahan umano itong magde-develop bilang isang ganap na Tropical Depression sa susunod na 24 oras.

Sa oras na isa itong maging bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility, tatawagin itong bagyong Caloy.

Sa kasalukyaun, pinalalakas ng LPA na ito ang umiiral na southwest monsoon o ‘yung Habagat.

Magdudulot ito ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Palawan at sa Mindoro.

Asahan din ang malalakas na pag-ulan na mayroong kasamang kiudlat at kulog sa Cagayan, Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Quezon, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

Sa malaking bahagi ng bansa, asahan pa rin ang maulap na papawirin at mataas pa rin ang tiyansa ng pag-ulan pagdating ng hapon o gabi.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *