Bea Alonzo, nabigyan ng role sa Filipino Hollywood film na ‘Angel Warriors’

Lalabas ang aktres na si Bea Alonzo sa upcoming Filipino-Hollywood film na pinamagatang “Angel Warrior.”

Ayon sa ulat ng Variety, gagampanan ng aktres ang papel ni “she-devil” Tala, na isang pre-war era Filipina, na naging underground fighter matapos nitong magkaroon ng near-death experience.

Ang “Angel Warrior” ay isang feature na inspired ng true to life events mula sa panahon ng World War II.

Ibinunyag na ni Bea ang tungkol sa kaniyang bagong project sa Instagram at sinabi na patuloy siyang magu-upate kaugnay sa mga future developments nito

Inihayag ng Variety na nakaplano ang US at worldwide premier ng “Angel Warrior” sa 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *