Beachtrip ni Vice na ginastusan ng malaki, naudlot dahil sa pandemya

Inirampa ni Vice Ganda ang ilan sa mga mamahaling kasuotan nito sa pool na matatagpuan sa loob ng kanyang bagong bahay.

Kabilang na sa mga ito ay ang Versace at Balmain swimsuit.

Ibinida rin ni Vice sa kanyang vlog ang Versace t-shirt niya na pang-beach volleyball, swimsuit na tinahi ni Jaz Cerezo, personalized bathrobe at ang red dress na kanyang susuotin sana para sa pagdiriwang ng kanyang birthday.

Inamin ng komdeyante na ginastusan niya ng malaki ang sana’y beach trip niya kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya para sa kanyang kaarawan noong Marso.

Kasama na sa ginastusan ni Vice ay ang private jet na sasakyan sana ng kanyang pamilya dahil ayaw niyang pasakayin ang kanyang ina sa commercial flight.

Pero sa kasamaang palad ay na-extend ang lockdown sa Metro Manila at sa mga karatig nitong probinsya.

Ipinunto ng It’s Showtime host na umasa siya na makakabawi sila sa bakasyon ngayong 2021 dahil sa kalungkutan at stress na kanilang naramdaman noong nakaraang taon at dahil bigo rin sila na ipagdiwang ang kanyang kaarawan noong 2020.

Kung maalala ay ipinasara ang broadcast operations ng ABS-CBN noong Mayo ng nakaraang taon.

Sa kabila niyan ay patuloy na mapapanuod si Vice bilang regular host ng It’s Showtime na pwedeng mapanuod sa Kapamilya Channel, sa free TV gamit ang digital box sa A2Z Channel 11, at sa iba’t-ibang social media pages nito.

Samantala, maliban sa A2Z ang primetime shows ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba” at “Init Sa Magdamag,” at Sunday musical variety show na “ASAP Na ‘To” ay napapanood din nationwide sa TV5. Kailangan lamang mag-rescan ang mga gumagamit ng digital TV box tulad ng TVplus at iba pa upang makuha ang channel ng TV5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *