Tambak na drug applications, posibleng dahil sa retirement, resignation ng FDA execs

Inihayag ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na ang retirement at resignation ng mga FDA personnel ay maaring nagdulot sa delays ng pag-apruba sa mahigit 600 drug applications sa nakalipas na anim na taon.

Paliwanag ni Domingo, noong 2014 hanggang 2017 ay hindi pa umano computerized ang mga datos at posibleng hindi na-endorso ng mga retired at resigned officials ang naturang mga aplikasyon sa sumunod sa kanila.

Binigyang diin naman ng FDA chief na ang aplikasyon ay kailangang maipasa sa loob ng timeframe, at kung ang isang kompaniya ay nais magpacheck ng kanilang mga requirements, ay dapat mabilis rin umano ang desisyon ng departamento.

Ang reaksyon ni Domingo ay kasunod ng show-cause order ng Anti-Red Tape Authority’s (ARTA) laban sa isang FDA office kaugnay sa daan-daang pending drug applications.

Para naman sa reapplication ng produkto, ipinaliwanag ni Domingo na kung ang gamot ay walang modifications, otomatikong aaprubahan ng FDA ang kanilang renewal for application. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *