BFP nagbabala sa pagsasagawa ng Campfire ngayong panahon ng tag init

CAMARINES NORTE- Nagbabala ang Bureau of Fire Protection hinggil sa pagsasagawa ng Campfire lalo na ngayong panahon ng tag- init.

Ayon kay Inspector Socorro Tabaniag, Municipal Fire Marshal ng Basud Fire Station, bawal naman talaga ang pagsasagawa nito dahil mayroon nang umiiral na batas at ordinansa ukol dito.

Posible kasi itong maging sanhi ng forest fire kapag napabayaan.

“Bawal talaga yan, bawal na bawal, kasi magsunog nga eh di ba may ordinance tayo sa ano niyan na bawal yan, so lalo na sa mga ganyang ano kasi pwedeng maging sanhi talaga ng sunog yan eh,” ani Tabaniag.

May mga pagkakataon kasi na ginagawa ito lalo na ng mga kabataan kung mayroong overnight na pagtitipon.

Bukod sa panganib na magkaroon ng malakihang sunog ay magdudulot din aniya ito ng dumi sa paligid.

Nagpaalala rin ang BFP sa mga taong naninigarilyo na huwag itapon kung saan- saan ang upos nito.

Posible rin kasi itong pagmulan ng sunog lalo na kapag napatak sa mga tuyong dahon at nasa panahon pa man din ng tag init.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *