HPG patuloy ang pag iikot sa mga terminal kaugnay sa Ligtas Sumvac

CAMARINES NORTE- Patuloy ang pag- iikot ng PNP Highway Patrol Group sa mga terminal sa Camarines Norte partikular sa bayan ng Daet kaugnay sa Ligtas Sumvac 2022.

Ito ay sa harap na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga terminal ngayong papalapit na ang pagunita sa Semana Santa.

Dito ay nagsasagawa ng pakikipag diayalogo ang mga tauhan ng HPG sa mga driver, operator at upang magbigay ng mga tips at paalala sa Bagong Normal para sa Ligtas na Paglalakbay.

Namamahagi rin ang mga ito ng mga babasahin na pakikinabangan ng mga driver at pasahero.

Bukod dito ay patuloy ang ginagawang pagpapaalala ng HPG sa kahalagahan ng pagsunod sa health protocols kontra COVID- 19.

Kabilang sa mga terminal na tinungo ng grupo ay ang Camambugan Integrated Terminal, Daet South Central Terminal at iba pa.

Mababatid na ibinaba na ng IATF sa Alert Level 1 ang Daet at San Vicente habang nananatili naman sa Alert Level 2 ang sampu pang mga bayan sa lalawigan.

Sa kabila naman ng pagluluwag ng mga COVID- restrictions ay patuloy ang paalala ng Department of Health at Provincial Health Office sa kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards.

Kahapon ay muling nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan makalipas ang halos isang buwan.

Ang bagong nagpositibo sa sakit ay nagmula sa bayan ng Talisay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *