Mas maluwag na movement restrictions sa mga bakunado, inaasahang makakahikayat ng mga magpapabakuna

BICOL—Umaasa si Bicol IATF Chairman at Department of the Interior and Local Government (DILG) Bicol Regional Director Atty. Anthony Nuyda na marami ang mahihikayat na magpabakuna sa COVID-19 kasunod ng ibinabang Resolution No. 124-B ng IATF.

Base kasi dito, ang mga indibidwal na bakunado na o nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna ay maaari nang magtungo saan mang lugar sa bansa basta makakapagpresenta ng vaccination card at certification mula sa Department of Health (DOH).

Anya, mayroon lamang ilang restrictions pero pinapayagan na ang mga ito para sa intrazonal travel mapa MGCQ o GCQ areas at maaari na ring makamtan ng mga fully vaccinated senior citizens ang prebilehiyong ito.

Nakapalaman din umano sa resolusyon ang pagsasailalim sa mas maiksing quarantine period sa mga fully-vaccinated individuals mula sa 14 days ay gagawin na lamang 7 days at hindi na rin sila isasalang sa ano mang testing basta walang ipinapakitang sintomas.

Pero binigyang-diin ni Nuyda na kailangang aprubadong bakuna ang itinurok sa mga ito. Umaasa ang opisyal na hindi magiging rason ang pagluwag na ito sa restrictions upang tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.### || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *