Malinao MDRRMO Chief nagpositibo sa Covid-19 sa kabila ng pagiging fully vaccinated

LEGAZPI-Sa kabila ng pagiging fully vaccinated kontra Covid-19, nagpositibo pa rin sa corona virus disease ang head ng Municipal Disater Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Malinao lalawigan ng Albay.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Sir Dempsey Alcala, nabakunahan na siya ng second dose ng sinovac ngunit noong isang araw ay nagpositibo ito sa resulta ng swab testing.

Aniya, nag pa swab test siya dahil ang kanyang asawa ay nakitaan ng sintomas ng naturang sakit at dahil sya ay person with comorbidity at isang frontliner, isinailalim ito sa testing at nung isang araw pa lamang lumabas ang resulta.

Paglilinaw din nito na inaantay pa an resulta ng swab testing ng kanyang asawa na sa ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan.

Nagpapasalamat din ito na nakapabakuna na dahil nararamdaman niya na lumalaban umano ang bakuna sa sakit sa kanyang katawan.

Samantalang inihayag din nito na kahit fully vaccinated na ang isang tao ay maari pa ring tamaan ng Covid ngunit nababawasan lamang nito ang peligro sa buhay.

Wala din umano itong nakasalamuha maliban sa kanyang pamilya at di rin isinailalim sa lockdown ang opisina dahil lampas isang linggo itong naka work from home dahilan para wala itong close contacts sa mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *