Bicol region nagtala ng 323 na bagong kaso ng COVID-19

BICOL—Pumalo na sa 38,656 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 323 na panibagong kaso.

184 nito ay mula sa Camarines Sur kung san 76 nito ay mula sa Naga City, 26 sa Magarao, 14 sa San Jose, 11 sa Bula, walo sa Buhi, pito sa Pili, lima sa Sipocot, tig-apat ang Pamplona at Tinambac, tigtatatlo ang Bato, Canaman, Milaor at Siruma, tigdadalawa ang Baao, Calabaga, Camaligan, Minalabac at Pasacao, at tig-iisa ang Garchitorena, Libmanan, Nabua, Ocampo, Ragay, San Fernando at Tigaon.

80 ang bagong kaso sa Albay kung saan 13 nito ay mula sa Legazpi City, 12 sa Tabaco City, 11 sa Malilipot, siyam sa Daraga, tigpito ang Camalig at Manito, anim sa Ligao City, lima sa Santo Domingo, apat sa Libon, tatlo sa Polangui at tig-iisa ang Malinao, Rapu-Rapu at Tiwi.

33 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon City, lima sa Donsol, tig apat ang Juban at Magallanes, tigtatlo ang Bulan at Irosin, tigdadalawa ang Barcelona, Castilla at Gubat at tig-isa ang Bulusan at Pilar.

23 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 11 nito ay mula sa Pandan, walo sa Virac at tigdalawa ang San Andres at Viga.

Dalawang kaso naman ang naitala sa Masbate na mula sa San Pascual at Mandaon habang isang kaso ang nadagdag sa Camarines Norte na mula sa San Lorenzo Ruiz.

Samantala, 175 ang mga bagong gumaling kung saan 102 nito ay mula sa Sorsogon City, 30 sa Naga City, tig-20 ang Camarines Sur at Masbate at tatlo sa Catanduanes kung kaya pumalo na sa 24,690 ang total recoveries.

Pumalo na rin sa 1,157 ang death toll matapos madagdagan ng 14 na mga bagong nasawi kung saan pito ay mula sa Sorsogon, anim sa Camarines Sur at isa sa Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *