Bilang ng enrollees noong nakaraang taon nalagpasan na ng SDO Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nalagpasan na ng Schools Division Office ng Camarines Norte ang bilang ng enrollees noong isang taon matapos na maitala ang 103. 36 %.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) nasa 181, 830 na ang bilang ng mga nakapag enroll mula Kinder hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan hanggang nitong September 15 para ngayong School Year 2021- 2022.

Mas mataas ito kumpara sa 175, 911 na enrollees noong nakaraang taon.

Matatandaan na sa pagbubukas ng klase noong Lunes ay hindi pa umabot sa isang daang porsiento ng kanilang target ang mga nakapag enroll.

Noong araw ding iyon ay inanunsyo ng DepEd na tatanggap pa rin ito ng late enrollees hanggang sa katapusan ng buwan o sa Sept. 30, 2021.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympa Guemo sa ngayon ay tolerable pa naman o hindi  gaanong problema ang Teachers and Learners ratio sa Camarines Norte lalo’t wala namang face to face classes.

Kung sakaling payagan man daw ang face to face classes ay hindi naman lahat ng bata ay papasok sa eskwelahan dahil magigi itong by batch.

Hindi naman daw kasi hahayaan ng DepEd na crowded ang classroom sa sandaling magkaroon na ng face to face classes bagay na sa ngayon ay malabao pang mangyari dahil sa patuloy na banta ng COVID- 19 bunsod ng patuloy na paglobo ng mga nagkakasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *