Police Major inireklamo dahil umano sa “pagmamasturbate” sa harap ng isang sales lady sa lungsod ng Legazpi

BNFM BICOL—Napasigaw sa pagkagulat at takot ang isang sales lady ng hindi na pinangalanang establisimiento sa lungsod ng Legazpi matapos nitong maaktuhan ang isang police major na naglalaro ng kanyang ari.

Sa report ng Brigada News FM Legazpi, nagkubli sa isang lugar sa second floor ng nasabing business establishment ang pulis saka nagmasturbate sa harap ng sales lady na si alyas Mahinhin.

Nakuhanan pa umano ng CCTV footage ang insidente pero minarapat ng magkabilang panig sa naging pag-uusap na huwag na itong ilabas.

Nakarating na rin sa Police Regional Office 5 ang report at ayon sa tagapagsalita nitong si Police Major Malu Calubaquib, naaksyunan na ang reklamo at hinihintay na lamang ang pormal na paghahain ng kaso laban sa suspek.

Samantala, hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye ang PNP hinggil sa pagkatao ng suspek, kung saan ito nakadestino at kung ano ang posibleng rason sa ginawa nito.#

– with reports from BNFM Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *