Bilang ng mga fully vaccinated ng Covid-19 vaccine sa Tarlac, umabot na sa mahigit 143 thousand

Umabot na sa 143, 100 na indibidwal sa lalawigan ng Tarlac ang fully vaccinated ng Covid-19 vaccine.

Sa report na inilabas ng Tarlac Provincial Health Office, 182, 555 na indibidwal sa kanilang lalawigan ang nabigyan ng unang dose ng bakuna.

Sa ngayon nasa 273, 512 na Covid vaccine ang naipamigay na ng Provincial Government sa lalawigan.

Kugnay nito patuloy ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan sa publiko na magpabakuna na habang may sapat pang supply nito para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Mababatid na muling isinailalim sa General Community Quarantine ang Tarlac dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *