Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa 1,076; 14 na bagong kaso ng sakit naitala rin kahapon

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng mataas na bilang ng mga nakarekober sa loob ng isang araw ang lalawigan ng Camarines Norte matapos na magkaroon ng 45 pasyente ang tuluyan ng gumaling sa COVID-19

Dahilan upang umakyat na sa 1,076 ang kabuuang bilang ng mga nakakarekober

Ngunit sa kabila nito, nakapagtala rin ng 14 na panibagong kaso ang lalawigan kahapon

Sa case bulletin report ng DOH Bicol, ang bayan ng Sta. Elena ay nakapagtala ng 4 na bagong kaso, 3 naman ang nagmula sa bayan ng Daet, habang mag tig-da-dalawang kaso ang bayan ng Labo, Talisay at Vinzons samantalang 1 kaso ang nagmula sa San Lorenzo Ruiz

Bunsod nito, nasa 1, 378 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan

Bumaba naman sa 243 ang aktibong kaso matapos ngang maitala ang 45 bagong nakarekober sa sakit, Nananatili naman sa bilang na 59 ang nawalan ng buhay dahil sa sakit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *