Bilang recoveries sa Naga updated na ayon sa DOH; reconciliation process mabagal ayon sa HERTF

NAGA CITY- Dalawang linggo nang sumasailalim sa data reconciliation process ang City Epidemiological Surveillance Unit (CESU) at ang RESU.

Ito ay upang maging tugma ang bilang ng kaso ng COVID-19, recoveries o gumaling na, aktibong kaso pati bed capacity.

Sa update ng DOH Bicol kahapon sinabi ni Bicol Chief Regional Epidemiologist Dr. Aurora Teresa Daluro updated na ang recoveries nila kung saan mayroon nang 2, 304 gumaling sa COVID-19 sa Naga.

Ang City Events Protocol and Public Information Office ay initigil muna ang posting ng COVID-19 update nitong mga nagdaang araw dahil sa nagpapatuloy na pagtutugma ng mga datos.

Subalit sa huling tala na isinapubliko noong Hulyo 9, 2021—-2, 525 na ang recoveries at nadagdagan pa ito nitong mga nagdaang araw.

Una nang sinabi ni Incident Commander PSO Executive Director Renne Gumba , nag-reflect na rin naman ang data, malaking bagay ito subalit mabagal ang proseso.

Mababatid na mahalahang tugma ang bilang ng CESU at RESU dahil naririto rin ang mga pamantayan ng IATF sa quarantine classification.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *