Billing rate per KwH ng OEDC ngayong buwan tumaas ng 1.75

Tumaas muli ang billing rate per kilowatt ngayong buwan ng Hulyo ng Olongapo Electricity Distribution Company Inc.

Ayon kay Ariane Bie, tagapagsalita ng kompanya, tataas ng 1.75 per kilowatt ang July billing dahil sa pagtaas ng Generation Charge.

Mula sa dating 15.47 ay umakyat na ito sa 17.22, dulot na rin umano ito ng patuloy ring pagtaas ng presyo ng coal kaya hirap rin ang kanilang supplier na ibaba ang presyo.

Gayundin ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine na mga malalaking supplier ng coal na ginagamit sa pagprodyus ng kuryente.

Dahil sa mga pagtaas na nagsimula pa umano noong Marso ay umaaray na rin ang mga consumers sapagkat nasasabay pa ito sa pagtaas rin ng ilang bilihin.

Samantala, nilinaw naman ng OEDC na pagdating sa distribution charge ay walang pagtaas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *