Binata patay matapos mahulog sa ginagawang tower sa Quezon, Palawan.

Patay ang isang binata matapos na aksidente umanong mahulog sa ginagawang tower (Smart Communication ) sa Sitio Pugad Baboy Brgy. Sowangan Quezon, Palawan nitong lunes, May 10, 2021.

Ayon sa pinsan ng biktima na si Richard Gadingan, hindi na umabot na buhay sa ospital si Asher Arroyo Bacero , SK kagawad sa Bgy. Panalingaan Rizal, Palawan na nagtrabaho bilang construction manpower.

Umaasa sina Richard at pamilya ni Asher na tutulong sa gastos at pagpapalibing ang contractor sa ginagawang tower.

Samantala, nais ngayon ng kaanak na maimbestigahan ng pulisya ang nangyari sa kanilang mahal sa buhay.

“Alam po namin na nahulog siya sir wala na pong duda doon.. ang gusto lang po sana namin malaman kung anong safety protocol mayron ang contractor bakit nangyari ito… Kahit harness po walang suot ‘yung pinsan ko.”- ani Richard Gadingan, pinsan ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *