Binata patay matapos tamaan ng bala mula sa baril na pinaglaruan ng pulis

Patay ang isang binata matapos umanong tamaan ng bala mula sa baril na nilalaro ng isang pulis sa Brgy. Halapitan, San Fernando, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si si Zyro Zandro Linaza, 18 taong gulang habang ang suspek si Police Master Sergeant Faith Lauron Panduma na nakadistino sa San Fernando Municipal Police Station.

Ayon sa imbestigasyon ng Bukidnon Police Provincial Office-Internal Affairs Service, napagalaman na nag-iinuman ang dalawa kasama ng kanilang mga kaibigan nang pinaglaruan umano ni Panduma ang armas nitong 9mm caliber pistol.

Bigla umanong pumutok ang armas at tumama ang bala sa dibdib ni Linaza na ikinamatay nito.

Patong-paton na kaso ang hinaharap ngayon ng suspetsadong pulis na agad naman sumuko matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *