Kondisyon ng mga bumibiyaheng barko sa Matnog Port, maayos na

Walang dapat na ipangamba ang mga biyahero kaugnay ng kanilang kaligtasan sa pagbiyahe.

Ito ang tiniyak ni Matnog Port Blue Lane Project Officer Ambet Imperial kung saan kanyang kinumpirma na maayos ang kondisyon ng mga bumibiyaheng barko sa pantalan ng Matnog.

Paliwanag nito, ang nasabing mga vessel ay regular na ini-inspeksyon ng kanilang hanay katuwang ang Maritime Industry Authority o MARINA at iba pang mga ahensya na may kaugnayan dito kung kaya makatitiyak umano ang mga biyahero na ligtas ang kanilang mga sasakyan patawid sa Vizayas at Mindanao.

Aniya, bukod kasi sa kondisyon ng mga ito ay tinitingnan din ang kanilang mga dukumento upang masiguro na lehitimo at compliant ang nasabing mga sasakyang pandagat sa mga alituntunin para pumalaot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *