Binhi ng gulay ipinagkaloob ng DAR sa SAKASAMA

ZAMBALES-Nakatanggap ng iba’t ibang binhi ng gulay ang Samahang Katutubo ng Sta. Martha o SAKASAMA nitong Lunes mula sa Department of Agrarian Reform.

Kinabibilangan ito ng talong, kamatis, okra, labanos, kalabasa, upo at ng amplaya.

Itinanim ito ng mga benipisyaryo sa demo farm sa Sitio Sta. Martha, Pangolingan, Palauig na ibinigay rin ng DAR.

Ito ay bahagi ng proyektong buhay sa Gulay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Development for Disaster Affected Areas ng kagawaran.

Malaking tulong na para mapagkunan ng pangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Dar Zambales

May be an image of text that says 'Isang sachet a day, ginhawa ang dala all SHOP day! NOW! Lazada Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Salaba Cells laba 6IN bd Power Cells 6IN 1 Salabat HexGew Mix Ginger Brew Net Content: 10g Sachets ww.aa- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *