Naisasagawang genome sequencing sa bansa, kulang pa rin – UP -NIH

Aminado ang UP National Institute of Health (UP-NIH) na kulang pa rin ang naisasagawang genome sequencing sa Pilipinas para matukoy ang presensya ang mga covid-19 variants sa bansa.

Ayon kay Dr. Eva Marie dela Paz ng UP-NIH, sa ngayon ay nasa 750 samples lamang ang naisasailalim sa genome sequencing sa kada linggo na katumbas ng 0.5% ng mga kaso sa bansa.

Mababa aniya ang porsiyento na ito kung ikukumpara sa bansang United Kingdom na nasa 30% ng sample ang naisasailalim sa genome sequencing at 5% sa Portugal at Estados Unidos.

Sinabi ni Dr. Dela Paz na kinakailangang nasa 5% ang maisalang sa pagsusuri ngunit depende pa rin ito sa kakayanan ng bansa.

Samantala, sa ngayon ay binigyan na nila ng prayoridad sa genome sequencing ang mga lugar na kasalukuyang may pinakamaraming covid-19 infections.

Mababatid na sinabi ng Department of Health (DOH) na posibleng dahil sa mga covid-19 variants kung bakit patuloy na tumataas ang mga kaso ng covid-19 sa Visayas at Mindanao, kung kaya’t mahalaga na mas mapalakas pa ang genome sequencing sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *