Vaccination roll-out sa Tinambac, Camarines Sur pansamantalang itinigil matapos magpositibo sa rapid antigen test ang walong kawani ng RHU

NAGA CITY—Pansamantalang itinigil ng Lokal na Pamahalaan ng Tinambac ang nakatakda nitong vaccination sa darating na Biyernes at sa susunod na linggo matapos magpositibo sa Rapid Antigen Test ang ilang kawani ng Rural Health Unit 1 & 2.

Ayon kay Haidee Javier, Public Health Nurse ng RHU Tinambac, kinailangan kasing suspendihin ang nakatakdang vaccination sa mga susunod na araw para sana sa 2nd dose ng Sinovac vaccine dahil may ilang staff ng pagamutan ang naging close contacts ng isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Agad aniyang nagsagawa Rapid Test ang LGU kung saan nagpositibo ang tatlo mula sa RHU 1 at lima naman sa RHU 2 na nakatakda namang isailalim sa RT-PCR o swab test.

Ang mga ito ay naka-isolate na sa pasilidad ng LGU habang tuloy parin naman aniya ang operasyon ng naturang pagamutan.

Paliwanag pa ni Javier, ayaw daw nilang makomprmiso ang kalusugan ng mga magpapabakuna dahil sila sa RHU ang nagsasagawa ng inoculation. Magpapalabas na lang muli ng abiso kung kailan magreresume ang vaccination sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *