Bivalent COVID jabs, nananatiling mabisa vs Arcturus

Nananatiling mabisa ang bivalent COVID-19 vaccines laban sa bagong Omicron subvariant na XBB.1.16 o Arcturus.

Ayon kay Vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani, bagama’t base sa mga available data na epektibong proteksyon lamang sa iba pang Omicron subvariant, ang bivalent at hindi pa kasama rito ang Arcturus ay epektibo pa rin tulad ng ibang mga subvariant.

Noong April 26, iniulat ng Department of Health ang unang kaso ng Arcturus sa lalawigan ng Iloilo.

Halos 400,000 doses ng bivalent COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa sa susunod na linggo. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *