Black List SIBOL, Olympian na si Hidilyn Diaz, nasungkit ang Gold Medal!

Muling nakasungkit ng gintong medalya ang Team Pilipinas para sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games.

Ngayong araw, nakuha ng Team Philippines – Black List SIBOL ang gintong medalya para sa Mobile Legends event.

Tinalo nila ang kupunan ng Indonesia sa score na 3-1.

Bago ito, pinadapa muna ng Black List SIBOL ang Team Malaysia, Laos, Myanmar at Singapore para makaabante sa finals.

Ito ang ikalawang beses na nanalo ng gintong medalya ang Team SIBOL sa Sea Games.

Samanatala, nanalo muli ng gintong medalya ang Olympic gold medalist na Hidilyn Diaz para sa Weightlifting-Women’s 55 kg division.

Ito na rin ang ikalawang beses na nanalo si Diaz ng gitnong medalya sa naturang patimpalak.

Samantala, bronze medal naman ang nakamit nila Treat Huey at Alex Eala paraTennis Mixed Doubles event.

Bronze medal din ang iuuwi ng mga pambato ng Pilipinas para sa Womens at Mens Beach Volleyball.
Sa kasalukuyan, nasa ikalimang pwesto ang Pilipinas sa medal tally na mayroong 42 golds, 57 silver at 78 bronze.(BNFM BATANGAS)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *