‘Mass resignation’ ng healthcare workers para mag-abroad, ikinabahala

Pinangangambahan ngayon ng Philippine General Hospital (PGH) ang posibilidad na marami sa kanilang mga ‘skilled’ healthcare professionals ang magresign dahil mas maraming oportunidad sa ibang bansa.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jose Jonas Del Rosario, dahil nagre-open na ang karamihan sa mga bansa sa kasalukuyan kung saan mas marami ng trabaho ang iniaalok para sa mga Pilipino, nakikita na nil ana mababawasan sila ng mga healthcare workers.

Karamihan aniya sa mga ito ay nurses na naka-assign sa operating room at sa ICU.

Dahil dito, sinabi naman ni Dr. Del Rosario na handa ang PGH na maghire at magrecruit muli ng mga baguhang medical workers na handang i-train.

Nananawagan ang pamunuan ng ospital na marami sila ngayong bakanteng trabaho partikular nga ang mga nurse.

Mababatid na base sa datos ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc., nasa lima hanggang sampung porsyento ng mga healthcare workers sa bansa sa kasalukuyan ang nagresign na para mangibang bansa. (BNFM BATANGAS)

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *