Paglalagay sa Metro Manila sa Alert Level 2, hindi pa nakikita ng DOH

Umabot sa 19 percent ang itinaas ng daily average ng mga bagong kaso ng covid-19 sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na linggo.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, simula noong nakalipas na May 13 hanggang May 19, 2022, tumaas sa 71 ang daily average ng covid-19 cases sa rehiyon mula sa 59 na naitala noong May 2 hanggang May 12, 2022.

Gayunman, sinabi ni David na nananatili pa rin sa ‘low risk’ classification ang NCR pagdating sa covid-19.
Kaugnay nito, naitala naman sa 0.90 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng covid-19 sa Metro Manila, mula sa 0.76 noong nakaraang linggo.

Ang positivity rate ay nananatiling mababa sa 1.2 percent habang ang hospital care utilization rate naman ay nasa 22 percent.

Tumaas rin ang average daily attack rate (ADAR) na nasa 0.50 mula sa 0.40.

Sa kabila ng mga nakitang pagtaas ng OCTA, inihayag naman ni Health Sec. Fransisco Duque III na hindi pa nila nakikita na isasailalim mula sa Alert Level 2 ang NCR dahil nasa very low risk pa rin naman aniya ang healthcare utilization rate sa rehisyon.

Sa huli, muling nanawagan ang kalihim sa publiko na mag-ingat, sumunod sa minimum public health standards at magpabooster shot na.(BNFM BATANGAS)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *