Blood letting activity sa Barangay Inarado isinagawa ngayong araw – MHO Daraga

LEGAZPI CITY – Kakatapos lamang ang isinagawang Blood letting activity ng Municipal Health Office (MHO) Daraga sa Barangay Inarado.

Ayon kay Dr. Ma, Margarita Dela Cruz, ang OIC nasabing opisina, malaking tulong ang pagkakaroon ng blood letting sa mga barangay upang makadagdag sa kakulangan ng supply ng dugo sa bayan.

Aniya, kinukulang umano ngayon ng supply dugo ang nabanggit na bayan.

Sa nakalipas na dalawang taon na pandemya ay halos wala na umano nagdodonate ng dugo dahil sa takot ng covid 19 sa bansa. Hindi rin pinayagan na makapagsagawa ng blod letting dahil sa may mga restriction na sinusunod sa IATF.

Nagkaroon lamang ng nasabing aktbidad nang tuluyan ng maluwagan ang minimum health protocols.

Sinabi ng opisyal, ang pagdonate ng dugo ay makakadagdag pa ng buhay ng isang tao lalo na kung ito ay nag aagaw buhay ang pasyente, sumasailalim sa dialysis at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *