BM, inaasahan na ang pagtakbo ni VP Leni pagkapangulo sa 2022 polls

Hindi na ikinagulat ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos ang naging anunsyo ni Vice President Leni Robredo na tumakbo pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon sa nakababatang Marcos, may hint na si Leni bago pa man nito sabihing tatakbo siya sa pinakamataas na posisyon.

Sa katunayan, matagal na umanong sinasabi ni Robredo na tatakbo ito kung tatakbo si Marcos.

Binigyang diin naman ni Bongbong na bukas siya sa kandidatura ni Leni, dahil magkakaroon ng whole range ng mga pagpipilian, ideology, at mga plano sa hinaharap para sa mga botanteng Pilipino para sa susunod na taong halalan. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *