Booster rollout para sa non-immunocompromised 12-17 age group, ipinagpaliban

Ipinagpaliban ng national government ang pagbibigay ng unang COVID-19 booster dose para sa mga non-immunocompromised children na may edad 12 hanggang 17-taong gulang, dahil sa ilang “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC).

Paliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, gumawa ng kondisyon ang HTAC na ang mga malusog na adolescents mula 12 hanggang taong gulang, ay bibigyan lang ng kanilang booster shot, kung umanot na umano sa 40% ang booster coverage para sa mga senior citizens sa kani-kanilang lugar.

Mababatid na ang rollout naman sa unang COVID-19 booster dose para sa immunocompromised minors para sa naturang age group ay nagsimula noong nakaraang linggo, pero sa mga ospital lang dahil sa safety reasons.

Samantala, sinabi ni Cabotaje na nakikipagnegosasyon pa sila sa HTAC hinggil sa naturang kondisyon, kasabay ng pag-asang agad na mapagdedesisyunan agad ito.

Batay sa panuntunan ng Department of Health (DOH), ang mga immunocompromised adolescents na may edad 12-17 ay maaring makatanggap ng first booster 28 araw matapos ang pagturok sa second dose ng COVID-19, habang limang buwan naman ang hihintayon ng mga non-immunocompromised mula sa parehong age group matapos ang kanilang second COVID-19 dose. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *