Border control points ng Naga City, muling hinigpitan; RT-PCR test result hinihingi na rin sa mga non-APOR na mula sa ibang probinsya sa Bicol

NAGA CITY- Alert Level 4 na ang Naga City at extended ang General Community Quarantine with Heightened Restrictions kaya naman naghigpit muli sa mga border control points.

Kung noon hindi gaano istrikto sa mga mula sa ibang probinsya sa Bicol Region at hindi na kailangan pang mag presenta ng negative RT-PCR test Result ngayon ay hinihingi na ito lalo pa sa mga hindi essential ang lakad o sa mga hindi Authorized Persons Outside Residence (APORs). Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni PLtCol. Errol Garchitorena , Head ng Health Emergency Response Task Force Security Cluster.

Sinabi pa ng opisyal na kahit na mga taga Camarines Sur na walang importanteng lakad ay hindi pinapapasok.

Batid ng HERTF ang haba ng pila ng mga sasakyan , hiling lamang ang pag-intindi dahil para ito sa kaligtasan ng nakakarami.

Samantala, nakapalaman pa sa kautusan ng HERTF na ang mga mula sa labas ng Bicol Region na fully vaccinated returning individuals ay kailangan parin pag presenta ng ID, negative RT-PCR test result o kaya antigen test result na ginawa 48-oras bago pumasok sa Naga. Ang mga wala nito ay isasailalim sa 14-days mandatory quarantine.

Ang mga symptomatic na fully vaccinated o hindi , mayroon o walang valid COVID- test result ay daraan sa 14-days quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *