Pagpapatupad ng ‘under COMELEC control’ sa Negros Oriental, naging epektibo

Nananatili pa ring mapayapa ang halalan sa mga lugar na nakapaloob sa ‘COMELEC Control’.

Ayon kay COMELEC spokesperson Dir. John Rex Laudiangco – naging epektibo ang pagkakaroon ng mas mahigpit na seguridad sa mga naturang areas kabilang na sa Negros Oriental, pati na rin sa Libon, Albay.

Aniya, wala silang na-monitor na major untoward incident sa mga nabanggit na lugar.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo na naging ‘peaceful’ daw ang halalan sa kanilang lalawigan.

Aniya, sapat daw ang security sa lugar, at pinanindigan daw ng ‘COMELEC’ ang kanilang pangako ng mas mahigpit na pagbabantay.

Maaalalang isinailalim sa area of concern ang Negros Oriental bunsod sa pagpaslang sa asawa ng alklade na si late governor Roel Degamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *