BREAKING: 6 biyahero galing India nag-positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang anim na biyahero mula India na dumating sa bansa bago ipatupad ang travel ban.

Sa isang online press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang anim na pasyente ay kasama sa 110 mga biyahero mula India na dumating sa Pilipinas bago pa maipatupad ang travel ban at dumaan na sa COVID-19 testing.

Aniya, ipinadala na sa Philippine Genome Center ang samples mula sa anim na biyahero para sa genome sequencing para matukoy kung mayroon silang B.1.617 variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *